Descansar no Senhor
Descansar no Senhor é um ato de fé. Em um mundo agitado, Deus nos convida a entregar nossas ansiedades, aquietar o coração e confiar plenamente em sua provisão e cuidado.
O convite ao descanso
Jesus convida os cansados e sobrecarregados a irem a Ele e encontrar descanso para as suas almas. O jugo dele é leve.
"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, dahil madaling sundin ang mga utos ko at magaan ang ipinapagawa ko."
Pumanatag ka sa piling ng Panginoon,
at matiyagang maghintay sa gagawin niya.
Huwag mong kaiinggitan ang masasama
na gumiginhawa,
kahit pa magtagumpay
ang masasamang plano nila.
Sinasabi niya,
"Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Diyos.
Akoʼy pararangalan sa mga bansa.
Akoʼy papupurihan sa buong mundo."
Kayong mga mamamayan ng Diyos,
magtiwala kayo sa kanya
sa lahat ng oras!
Sabihin sa kanya ang lahat
ng inyong suliranin,
dahil siya ang ating kanlungan.
Confiança e paz
Quem confia no Senhor encontra paz perfeita. A ansiedade perde o poder quando entregamos tudo nas mãos do Deus soberano.
Panginoon, bigyan nʼyo
nang lubos na kapayapaan
ang taong kayo lagi ang iniisip
dahil nagtitiwala siya sa inyo.
Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel,
"Magbalik-loob kayo
sa akin at pumanatag,
dahil ililigtas ko kayo.
Huwag kayong mabahala
kundi magtiwala sa akin,
dahil palalakasin ko kayo.
Ngunit tumanggi kayo
At ang bunga ng katuwiran
ay ang mabuting kalagayan,
kapayapaan, at kapanatagan magpakailanman.
ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon
ay muling magkakaroon ng lakas.
Lilipad silang gaya ng isang agila.
Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.
Lumakad man sila ay hindi manghihina.
Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.
Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.
Esperar no Senhor
Esperar no Senhor renova as forças. A Bíblia nos ensina que aquietar-se diante de Deus e confiar em seu tempo é marca da maturidade espiritual.
Magtiwala kayo sa Panginoon!
Magpakatatag kayo
at huwag mawalan ng pag-asa.
Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!
Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon,
at dininig niya ang aking mga daing.
Ibigay mo sa Panginoon
ang iyong mga alalahanin
at ikaw ay kanyang kakalingain.
Hindi niya pababayaan
ang mga matuwid, magpakailanman.
Kapag kayoʼy nagagalit,
huwag kayong magkakasala.
Magbulay-bulay nang may katahimikan
habang kayoʼy nakahiga sa higaan.
Mabuti ang Panginoon
sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya.
Mabuting matiyagang maghintay
sa pagliligtas ng Panginoon.
A fidelidade de Deus
Deus é fiel. Seus planos são de paz e esperança. Podemos descansar sabendo que Ele guarda e sustenta quem nele confia.
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan. Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa akin, at diringgin ko kayo. Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo.
"Ngunit mapalad ang taong nagtitiwala
at lubos na umaasa sa Panginoon.
Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog
na ang mga ugat ay umaabot sa tubig.
Ang punongkahoy na itoʼy hindi natatakot,
dumating man ang tag-init
o mahabang tag-araw.
Palaging sariwa ang mga dahon nito
at walang tigil ang pamumunga.
Sumagot ang Panginoon, "Ako mismo ang sasáma sa iyo, at bibigyan kita ng kapahingahan."
Ito ang dahilan kaya ako dumaranas ng mga paghihirap. Ngunit hindi ko ito ikinakahiya, dahil kilala ko kung sino ang sinasampalatayanan ko at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.
Sinabi ni Asa sa mga taga-Juda, "Patatagin natin ang mga bayan na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pader sa paligid nito na may mga tore, at ng mga pintuan at mga kandado. Angkinin natin ang lupaing ito, dahil dumulog tayo sa Panginoon na ating Diyos. Binigyan niya tayo ng kapayapaan sa ating mga kalaban sa paligid." Kaya pinalakas nila ang bayan at naging maunlad sila.
Nang palabas na sila ng bayan, sinabi ni Samuel kay Saul, "Paunahin mo ang utusan mo, may sasabihin lang ako sa iyo mula sa Diyos." Kaya nauna ang utusan.