Publicidade

Salvação

Por Bíblia Online

A salvação é a obra suprema de Deus. Pela graça, mediante a fé, somos salvos — não por obras, para que ninguém se glorie. É o presente mais precioso que a humanidade pode receber.

A salvação pela graça

A salvação é dom de Deus, não resultado de esforço humano. Somos justificados pela fé em Cristo Jesus e reconciliados com Deus pelo seu amor.

Sapagkat dahil sa biyaya ng Diyos ay naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Kristo. Kaloob ito ng Diyos, at hindi galing sa inyo. Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, upang walang maipagmalaki ang sinuman.

iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang awa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng paghuhugas ng Banal na Espiritu upang tayoʼy ipanganak muli at magkaroon ng bagong buhay.

Iniligtas at tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang banal, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Kristo Hesus bago pa nagsimula ang mundo.

Hindi ko ikinakahiya ang Magandang Balita, dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng lahat ng sumasampalataya, una ang mga Hudyo at gayon din ang mga Hentil.

Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa kaluwalhatian ng Diyos.

Bihira ang taong mag-aalay ng kanyang buhay para sa isang taong matuwid, bagamaʼt maaaring mayroong maglakas-loob na ibigay ang kanyang buhay para sa isang mabuting tao. Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

O caminho da salvação

Quem confessa Jesus como Senhor e crê em sua ressurreição será salvo. A fé em Cristo é o único caminho para a salvação.

na kung ipapahayag mo na si Hesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat itinuturing ng Diyos na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niyang siyaʼy sumasampalataya, maliligtas siya.

Sapagkat itinuturing ng Diyos na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niyang siyaʼy sumasampalataya, maliligtas siya.

Sumagot sila, "Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus at maliligtas ka at ang iyong pamilya."

Sumagot sila, "Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus at maliligtas ka at ang iyong pamilya."

Walang sinuman ang makapagliligtas sa atin kundi siya lang, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayoʼy maligtas."

Ngunit ang sinumang tatawag sa ngalan ng Panginoon

ay maliligtas." 

Sumagot si Hesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.

"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Gayunpaman, ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos.

Nova vida em Cristo

Quem está em Cristo é nova criação. A salvação não é apenas perdão, mas transformação completa — de dentro para fora, para a glória de Deus.

Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.

Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli."

at sinabi, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit.

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.

Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.

Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at buksan ang pinto, papasok ako at magsasalo kami sa pagkain.

Segurança eterna

O crente tem a certeza da salvação. Ninguém pode arrebatar da mão de Deus aqueles que Ele chamou, justificou e glorificou.

Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila mula sa aking kamay,

Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang sumusuway sa kanya ay hindi makakamtan ang buhay na ito, sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos."

Kahit hindi nʼyo siya nakita ay mahal nʼyo siya, at kahit hindi pa ninyo siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ilarawan sa salita, dahil tinatanggap nʼyo ang bunga ng pananampalataya nʼyo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan.

Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan.

A salvação presente e futura

A salvação é passada (justificação), presente (santificação) e futura (glorificação). Deus nos salva, nos guarda e nos conduz à vida eterna.

Sapagkat nahayag na ang kagandahang loob ng Diyos na nagbibigay ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Ito rin ang nagtuturo sa atin kung paano mamuhay sa mundong ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos,

Ayon sa Kautusan, nililinis sa pamamagitan ng dugo ang halos lahat ng bagay na ginagamit sa pagsamba. At kung walang pagbubuhos ng dugo bilang handog sa Diyos, wala ring kapatawaran ng mga kasalanan.

Ganoon din naman, minsan lang namatay si Kristo nang inihandog niya ang kanyang sarili upang alisin ang kasalanan ng mga tao. At muli siyang babalik dito sa mundo, hindi na upang akuing muli ang kasalanan ng mga tao, kundi upang iligtas ang mga taong naghihintay sa kanya.

Dati, kaaway tayo ng Diyos, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Diyos, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Kristo.

Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Kristo, tayong lahat ay muling bubuhayin.

Nada é impossível para Deus

Aos homens é impossível, mas para Deus tudo é possível. Ele deseja que todos sejam salvos e cheguem ao conhecimento da verdade.

Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao ngunit hindi sa Diyos, sapagkat ang lahat ay posible sa Diyos."

Sumagot si Hesus, "Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos."

Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw."

Sapagkat ito ang utos ng Panginoon sa amin:

Ginawa kitang ilaw sa mga Hentil,

upang dalhin mo ang kaligtasan

sa kasuluk-sulukang bahagi ng daigdig."

Ang Makipot at Maluwang na Pintuan

"Pumasok kayo sa makipot na pintuan, sapagkat ang pintuang patungo sa kapahamakan ay maluwang at malapad, at marami ang pumapasok doon. Ngunit ang pintuang patungo sa buhay ay makipot at mahirap, at kakaunti lang ang nakakatagpo niyon.

Hindi ba ninyo alam na hindi mapapabilang ang mga masasama sa kaharian ng Diyos? Huwag kayong palilinlang! Sapagkat kailanmaʼy hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos ang mga imoral, sumasamba sa diyos-diyosan, nangangalunya, nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki o babae. Gayundin naman ang mga magnanakaw, mga sakim, mga lasenggo, mga maninirang-puri at mga mandarambong ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos.

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Umuwi ka na; pinagaling ka ng iyong pananampalataya." Nakakita siya agad, at sumunod siya kay Hesus sa daan.

Sa Diyos lang ako may kapahingahan;

Ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya.

Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin.

Inaakay nʼyo ako sa pamamagitan

ng inyong kapangyarihan,

at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako.

Pinaluwang nʼyo ang aking daraanan,

kaya hindi ako natitisod.

Kahit hindi mamunga

ang mga puno ng igos, ubas,

o ang kahoy ng olibo,

at kahit walang anihín sa mga bukirin,

at kahit mamatay ang mga alagang hayop

sa kanilang mga kulungan,

magagalak pa rin ako

sapagkat ang Panginoong Diyos

ang nagliligtas sa akin.

Ibibigay ko ang ibang mga tao

bilang kapalit mo,

dahil ikaw ay marangal

at mahalaga sa aking paningin,

at dahil mahal kita.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-