Pular para o conteúdo
Publicidade

Salvador

Por Bíblia Online

Jesus é o Salvador do mundo. Desde a manjedoura até a cruz e a ressurreição, toda a Escritura aponta para Aquele que veio buscar e salvar o que se havia perdido.

O Salvador nasceu

Na plenitude dos tempos, Deus enviou seu Filho ao mundo. O anjo declarou: 'Hoje vos nasceu um Salvador, que é Cristo, o Senhor.'

Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Mesias na siyang Panginoon.

Bagamaʼt siya ay Diyos,

hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos

bilang isang bagay na dapat panghawakan.

Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili

sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin.

Naging tao siyang tulad natin.

At sa pagiging tao niya,

nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan,

maging sa kamatayan sa krus.

"Ako ang Panginoon

na inyong Diyos

na naglabas sa inyo sa Ehipto.

Wala kayong kikilalaning Diyos

at Tagapagligtas maliban sa akin.

O sacrifício redentor

Jesus deu a própria vida por nós. Ele é a propiciação pelos nossos pecados e o autor da salvação eterna para todos os que lhe obedecem.

Siya ang inialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng ating mga kasalanan kundi pati na rin ng kasalanan ng buong sanlibutan.

Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.

Dati, kaaway tayo ng Diyos, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Diyos, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Kristo.

Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Kristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Diyos.

Sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa

Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.

O caminho da salvação

Jesus é o mediador da nova aliança. Ele vive para interceder por nós e pode salvar perfeitamente todos os que se achegam a Deus por meio dele.

At nang siyaʼy maging ganap, siya ang pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kanya,

Kaya maililigtas niya nang lubos ang sinumang lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, dahil nabubuhay siya magpakailanman upang mamagitan para sa kanila.

Kaya si Kristo ang ginawang tagapamagitan sa atin at sa Diyos sa bagong kasunduan. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, tinubos niya ang mga taong lumabag sa unang kasunduan. Dahil dito, matatanggap ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala na ipinangako niya.

Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng ating pananampalataya mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Diyos.

Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Kristo Hesus na siyang tumubos sa atin.

Ngunit tinulungan ako ng Diyos hanggang sa araw na ito. Kaya narito ako ngayon para sabihin sa lahat, sa mga kilalang tao o hindi, ang sinabi noon ng mga propeta at ni Moises na mangyayari: na ang Mesias ay dapat magdusa at mamatay, at unang mabubuhay mula sa kamatayan para magbigay ng liwanag sa mga Hudyo at sa mga Hentil."

Sinabi ng anghel sa mga babae, "Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, dahil nabuhay siyang muli tulad ng sinabi niya. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan ng kanyang bangkay.

Alam kong buháy ang aking Tagapagligtas

at sa bandang huli

ay darating siya dito sa lupa.

Seja o primeiro