Servir
Servir é o coração do evangelho. Jesus não veio para ser servido, mas para servir. O cristão é chamado a seguir esse exemplo, colocando-se a serviço de Deus e do próximo.
O exemplo de Jesus
Cristo é o modelo supremo de serviço. Ele lavou os pés dos discípulos e deu a própria vida como resgate por muitos.
Sapagkat kahit ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang tubusin ang maraming tao!"
Maging ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at magbigay ng kanyang buhay para maligtas ang maraming tao."
Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo. At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo.
Kung ako na Guro at Panginoon ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat ay ganoon din ang gawin ninyo sa isaʼt isa.
Kaya umupo si Hesus at tinawag ang labindalawa, at sinabi sa kanila, "Ang sinuman sa inyo na gustong maging una ay dapat maging huli sa lahat at maging lingkod ng lahat."
Servindo ao Senhor
Servir a Deus é um privilégio e uma ordenança. Devemos amá-lo de todo coração e servi-lo com alegria e fidelidade.
Ngunit kung ayaw nʼyong maglingkod sa Panginoon, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga diyos na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog Eufrates, o sa mga diyos ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Ngunit para sa akin at sa pamilya ko, maglilingkod kami sa Panginoon."
Ngunit huwag nʼyong kalimutang tuparin ang mga utos at katuruan na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon. Ibigin nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos, mamuhay kayo ayon sa kalooban niya, tuparin ang mga utos niya, maging matapat sa kanya at paglingkuran nʼyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa."
At ngayon, mga mamamayan ng Israel, ang hinihingi lang ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo ay magkaroon kayo ng takot sa kanya, mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, mahalin siya, maglingkod sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa, at sundin ang lahat ng mga utos at tuntunin ng Panginoon na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito para sa ikabubuti ninyo.
Ang Panginoon na inyong Diyos lang ang dapat ninyong sundin at igalang. Tuparin ninyo ang kanyang mga utos at sundin nʼyo siya; paglingkuran siya at manatili kayo sa kanya.
Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong sikap na maglingkod sa Panginoon.
Kung nakakalinis ang mga ito, higit na nakakalinis ang dugo ni Kristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay ni Kristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Diyos. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan upang matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buháy.
Servir ao próximo
A liberdade cristã nos chama a servir uns aos outros pelo amor. Cada dom recebido é para edificação do corpo de Cristo.
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.
Mamuhay kayo gaya ng malayang tao, ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan para gumawa ng masama. Sa halip, mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos.
Ang sinumang gustong maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at kung nasaan ako ay naroon din dapat siya. Ang sinumang naglilingkod sa akin ay pararangalan ng Ama.
"Walang taong makapaglilingkod sa dalawang amo. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kayaʼy magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan.
Huwag na ninyong gamitin ang alinmang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Diyos bilang mga taong binigyan ng buhay. Ilaan ninyo sa Diyos ang inyong katawan sa pamamagitan ng paggawa ng nararapat sa kanyang harapan.
Fidelidade e recompensa
O servo fiel e sábio será recompensado pelo Senhor. A fidelidade no serviço honra a Deus e produz frutos eternos.
"Sumagot ang amo niya, ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi sa aking kaligayahan!’
Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Maging masigasig kayo sa paggawa para sa gawaing ipinagkatiwala sa inyo ng Panginoon, sapagkat alam ninyong hindi masasayang ang paghihirap para sa kanya.
Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.
Ginagabayan ng Panginoon
ang bawat hakbang ng taong matuwid
na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.
Ngunit ililigtas ng Panginoon
ang kanyang mga lingkod,
at hindi parurusahan ang isa man
sa mga naghahanap ng kaligtasan sa kanya.