Todo poderoso
Deus é Todo-Poderoso — onipotente, onisciente e onipresente. Nada está além do seu alcance, nada escapa ao seu conhecimento e nada foge ao seu controle soberano.
O poder soberano de Deus
O Senhor reina sobre todas as coisas. Desde a criação do universo até os detalhes da nossa vida, seu poder se manifesta de forma absoluta e inesgotável.
O Makapangyarihang Panginoon, nilikha nʼyo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo. Walang anumang bagay na hindi nʼyo po magagawa.
"Ako ang Panginoon, ang Diyos ng lahat ng tao. Mayroon bang bagay na hindi ko magagawa?
Panginoon, kayoʼy makapangyarihan
at karapat-dapat na purihin.
Ang inyong kadakilaan
ay hindi kayang unawain.
Sa inyo Panginoon ang kapangyarihan at kadakilaan
ang kapurihan, katagumpayan at karangalan!
Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa.
Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!
Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan.
Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay.
Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas
at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.
Totoong hindi nakikita ang Diyos, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay naipahayag na sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan.
Nada é impossível para Deus
Para Deus não há impossíveis. O que parece inalcançável aos nossos olhos é plenamente realizável nas mãos do Todo-Poderoso.
Sapagkat walang imposible sa Diyos."
Sinabi niya, "Ama, magagawa nʼyo ang lahat ng bagay. Kung maaari, ilayo nʼyo sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masusunod kundi ang kalooban ninyo."
Ang Panginoon ang nagpapadukha
at nagpapayaman.
Itinataas niya ang iba
at ang ibaʼy kanyang ibinababa.
Ipinapaliwanag niya
ang mahihiwagang bagay
na mahirap intindihin.
Nasa kanya ang liwanag,
at nalalaman niya ang anumang nasa kadiliman.
O Rei eterno
Deus é o Rei eterno, imortal, invisível, único Deus sábio. Seu trono é desde a eternidade e seu reino não terá fim.
Ang Panginoong Diyos ang makapangyarihan sa lahat. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at maging sa hinaharap. Kaya sinabi niya, "Ako ang Alpha at ang Omega."
Sa nag-iisang Diyos, ang Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita; sa kanya ang papuri at kaluwalhatian, magpakailanman. Amen.
Ang buong mundo at ang lahat ng naririto
ay pag-aari ng Panginoon.
O Panginoong Diyos ng mga Hukbo,
ibalik nʼyo sa amin ang mabuting kalagayan!
Ipakita sa amin ang inyong kabutihan
upang kami ay maligtas.
Refúgio no Todo-Poderoso
O poder de Deus é nosso abrigo. Em tempos de tempestade, podemos descansar na certeza de que Ele sustenta e protege os seus.
Ang sinumang nananahan
sa piling ng Kataas-taasang Diyos
na Makapangyarihan
ay kakalingain niya.
Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon,
"Siya ang kumakalinga
at nagtatanggol sa akin.
Siya ang aking Diyos
at sa kanya ako nagtitiwala."
Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita
ay alam na ninyo
ang aking sasabihin.
At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan.
Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
Mga minamahal kong anak, kayoʼy sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga bulaang propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa sa espiritung naghahari ngayon sa mundo.
Pagpapalain ko sila at ang mga lugar sa paligid ng aking banal na bundok. Padadalhan ko sila ng ulan sa tamang oras bilang pagpapala sa kanila.