Kaniyang sinugo si Ciro upang maging tagapagligtas ng mga nasa pagkakabihag.
1 Ganito ang sabi ng Panginoon sa Is. 13:3;44:28.kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, Is. 41:2;Dan. 5:30.upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;
2 Ako’y magpapauna sa iyo, Is. 40:4.at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: Awit 107:16.aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:
3 At ibibigay ko sa iyo ang mga Jer. 50:37;51:13.kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon Ex. 33:12,17.na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga’y ang Is. 29:23.Dios ng Israel.