Pular para o conteúdo
Publicidade

Isaias 53:4-6,11,12

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

4 Tunay na kaniyang Mat. 7:18.dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma’y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.

5 Nguni’t siya’y nasugatan Rom. 4:25.dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa Is. 57:19.ating kapayapaan ay nasa kaniya; 1 Ped. 2:24,25.at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.

6 Mat. 9:36.Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa’t isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan 2 Cor. 5:21.sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.

11 Siya’y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: Fil. 3:8.sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng 1 Juan 2:1.aking matuwid na lingkod ang marami; at Is. 42:1;Rom. 5:18,19.dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.

12 Awit 2:8.Kaya’t hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang Col. 2:15.hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka’t kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at Mar. 15:28.ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma’y dinala niya ang kasalanan ng marami, at Rom. 8:34;Heb. 7:25;9:24.namagitan sa mga mananalangsang.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    4 Ang totoo, pinasan niya

    ang mga sakit natin,

    at tiniis ang mga pighating

    dapat sanaʼy ating dadanasin.

    Inakala nating siyaʼy

    pinarusahan ng Diyos,

    sinaktan at pinahirapan.

    5 Subalit, sinugatan siya

    dahil sa ating mga pagsuway;

    dinurog siya dahil sa ating kasamaan.

    Ang parusang tiniis niya

    ay nagdulot sa atin ng kapayapaan.

    At dahil sa kanyang mga sugat,

    tayoʼy may kagalingan.

    6 Tayong lahat ay parang

    mga tupang naligaw.

    Bawat isa sa atin

    ay gumawa ng nais nating gawin.

    Ngunit siya ang pinarusahan ng Panginoon

    ng parusang dapat sana

    ay para sa ating lahat.

    11 Kapag matapos na

    ang kanyang paghihirap,

    makikita niya ang liwanag

    at masisiyahan siya.

    Dahil sa karunungan ng aking

    matuwid na lingkod,

    marami ang ituturing na matuwid,

    at siya ang papasan

    sa kaparusahan ng kanilang

    mga kasalanan.

    12 Dahil dito, pararangalan ko siya

    katulad ng mga taong tanyag

    at makapangyarihan

    dahil ibinigay niya ang buhay niya.

    Ibinilang siya na isa sa mga makasalanan.

    Nagdusa siya para

    sa maraming makasalanan53:12 makasalanan: O rebelde o kriminal.

    at hiniling pa niya sa Diyos

    na silaʼy patawarin.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.