4 Ang totoo, pinasan niya
ang mga sakit natin,
at tiniis ang mga pighating
dapat sanaʼy ating dadanasin.
Inakala nating siyaʼy
pinarusahan ng Diyos,
sinaktan at pinahirapan.
5 Subalit, sinugatan siya
dahil sa ating mga pagsuway;
dinurog siya dahil sa ating kasamaan.
Ang parusang tiniis niya
ay nagdulot sa atin ng kapayapaan.
At dahil sa kanyang mga sugat,
tayoʼy may kagalingan.
6 Tayong lahat ay parang
mga tupang naligaw.
Bawat isa sa atin
ay gumawa ng nais nating gawin.
Ngunit siya ang pinarusahan ng Panginoon
ng parusang dapat sana
ay para sa ating lahat.
11 Kapag matapos na
ang kanyang paghihirap,
makikita niya ang liwanag
at masisiyahan siya.
Dahil sa karunungan ng aking
matuwid na lingkod,
marami ang ituturing na matuwid,
at siya ang papasan
sa kaparusahan ng kanilang
mga kasalanan.
12 Dahil dito, pararangalan ko siya
katulad ng mga taong tanyag
at makapangyarihan
dahil ibinigay niya ang buhay niya.
Ibinilang siya na isa sa mga makasalanan.
Nagdusa siya para
sa maraming makasalanan53:12 makasalanan: O rebelde o kriminal.
at hiniling pa niya sa Diyos
na silaʼy patawarin.