Ang ikatlong pagsasalita ni Bildad. Ang tao ay malaking kababaan sa Dios.
1 Nang magkagayo’y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
2 Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya;
Siya’y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga Job 31:2;Is. 24:21.mataas na dako.
3 May anomang Is. 40:26.bilang ba sa kaniyang mga hukbo?
At doon Sant. 1:17.sa hindi sinisikatan ng Mat. 5:45.kaniyang liwanag?
4 Job 4:17-19.Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios?
O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.
5 Narito, pati ng buwan ay walang liwanag,
At ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:
6 Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod!
At ang anak ng tao, Awit 22:6.na isang uod!