Pular para o conteúdo
Publicidade

JOB 15

Ang ikalawang pananalita ni Eliphaz. Tinuligsa niya ang pagpapakunwari ni Job.

1 Nang magkagayo’y sumagot si Job 2:11.Eliphaz na Temanita, at nagsabi,

2 Sasagot ba Job 12:3;13:2.ang isang pantas ng Job 16:3.walang kabuluhang kaalaman,

At pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan,

3 Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap,

O ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti?

4 Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan,

At iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios.

5 Sapagka’t ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig,

At iyong pinipili ang dila ng mapagkatha.

6 Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako;

Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.

7 Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak?

O nalabas ka bang una kay sa mga burol?

8 Iyo bang narinig ang Jer. 23:18.lihim na payo ng Dios?

At ikaw ba’y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?

9 Job 13:2.Anong nalalaman mo na di namin nalalaman?

Anong nauunawa mo na wala sa amin?

10 Job 12:12;32:6,7.Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao,

Matandang makapupo kay sa iyong ama.

11 Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo,

Sa makatuwid baga’y ang salitang napakabuti sa iyo?

12 Bakit ka napadadala sa iyong puso?

At bakit kumikindat ang iyong mga mata?

13 Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios,

At binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig.

14 Job 24:4-6.Ano ang tao upang maging malinis?

At siyang ipinanganak ng babae, upang siya’y maging matuwid?

15 Narito, siya’y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga Job 5:1.banal;

Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin.

16 Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak,

Job 34:7;Awit 73:10.Ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!

17 Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako;

At ang aking nakita ay aking ipahahayag:

18 (Ang Job 8:8;Is. 3:9.isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid;

19 Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain,

At Joel 3:17.walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:)

20 Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw,

Sa makatuwid baga’y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati.

21 Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig;

1 Tes. 5:3.Sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam:

22 Siya’y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman,

At siya’y hinihintay ng tabak:

23 Awit 59:15;109:10.Siya’y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan?

Job 18:12.Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:

24 Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya:

Nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka;

25 Sapagka’t iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios.

At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat;

26 Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg,

Sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag;

27 Awit 17:10;73:7;119:70.Sapagka’t tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan

At nagpangulubot ng kaniyang mga pigi;

28 At siya’y tumahan sa mga sirang bayan,

Sa mga bahay na walang taong tumatahan,

Na madaling magiging mga bunton.

29 Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pagaari.

Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik.

30 Siya’y hindi hihiwalay sa kadiliman;

Tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga,

At sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.

31 Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili:

Sapagka’t kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya.

32 Job 22:16;Awit 55:23;102:24.Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan,

At ang kaniyang Is. 9:14.sanga ay hindi mananariwa.

33 Lalagasin niya ang kaniyang mga Is. 18:5.hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas,

At lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo.

34 Sapagka’t ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago,

At susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan.

35 Awit 7:14;Is. 59:4.Sila’y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan,

At ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também