Si Job ay tumawag sa Dios, nguni’t nanaghoy dahil sa kaniyang kaabaabang kalagayan.
1 Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos,
Awit 88:3,4.Ang libingan ay handa sa akin.
2 Tunay na may mga manunuya na kasama ako,
At ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.
3 Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili;
Kaw. 6:1.Sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?
4 Sapagka’t iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa:
Kaya’t hindi mo sila itataas.
5 Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli,
Ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.
6 Nguni’t ginawa rin niya akong Job 30:9;Awit 44:14;69:11.kakutyaan ng bayan:
At niluraan nila ako sa mukha.
7 Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan.
At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.
8 Mga matuwid na tao ay Is. 52:14.matitigilan nito,
At ang walang sala ay babangon laban sa di banal.
9 Gayon ma’y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad,
Awit 24:4.At ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.
10 Nguni’t tungkol sa inyong lahat, Job 6:29.magsiparito kayo ngayon uli;
At hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo.
11 Job 7:6;9:25.Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira,
Sa makatuwid baga’y ang mga akala ng aking puso.
12 Kanilang ipinalit ang araw sa gabi:
Ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.
13 Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay;
Kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman:
14 Kung sinabi ko sa kapahamakan: Ikaw ay aking ama:
Sa uod: Ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
15 Nasaan nga ang aking pagasa?
At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?
16 Lulusong sa mga pangawan Job 18:13.ng Sheol,
Pagtataglay ng Job 3:17,18,19.kapahingahan sa alabok.