Ang ikatlong pagsasalita ni Eliphaz. Pinaalalahanan niya si Job na huwag tumutol sa Panginoon, kundi bumalik sa Kaniya.
1 Nang magkagayo’y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2 Job 36:7.Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios?
Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili.
3 May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid?
O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad?
4 Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka,
Na siya’y pumasok sa iyo sa kahatulan?
5 Hindi ba malaki ang iyong kasamaan?
Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan.
6 Sapagka’t ikaw ay Ex. 22:26, 37; Deut. 24:10, etc.;Job 24:3,9;Ex. 18:12.kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala,
At iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad.
7 Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom,
At Mat. 25:42.ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.
8 Nguni’t tungkol sa makapangyarihang tao, siya’y nagtatangkilik ng lupa;
At ang marangal na tao, ay tumatahan doon.
9 Luc. 1:53.Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao,
At ang mga kamay ng ulila ay nangabali.
10 Kaya’t ang Job 18:8,9,10.mga silo ay nangasa palibot mo,
At biglang takot ay bumabagabag sa iyo,
11 O kadiliman, upang huwag kang makakita.
Awit 69:1,2.At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo.
12 Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit?
At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!
13 At iyong sinasabi, Awit 10:11;59:7;73:11;94:7.Anong nalalaman ng Dios?
Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman?
14 Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya’y hindi nakakakita;
At siya’y lumalakad sa Is. 40:22.balantok ng langit.
15 Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan,
Na nilakaran ng mga masamang tao?
16 Job 15:32.Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan.
Na ang patibayan ay nahuhong parang agos:
17 Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin;
At, Anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat?
18 Gayon ma’y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay;
Job 21:16.Nguni’t ang payo ng masama ay malayo sa akin.
19 Awit 58:10.Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa;
At tinatawanang mainam ng walang sala:
20 Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay,
At ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy.
21 Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa:
Anopa’t ang mabuti ay darating sa iyo.
22 Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig,
At ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.
23 Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka;
Kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda.
24 At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok,
At ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis:
25 At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan,
At mahalagang pilak sa iyo.
26 Sapagka’t ikaw ay Job 27:10;Is. 58:14.magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat,
At iyong itataas ang iyong mukha sa Dios.
27 Awit 50:14,15;Is. 58:9.Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka:
At iyong babayaran ang iyong mga panata.
28 Ikaw nama’y magpapasiya ng isang bagay, at ito’y matatatag sa iyo;
At liwanag ay sisilang sa iyong mga daan.
29 Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas;
At ililigtas niya Kaw. 29:23;1 Ped. 5:5.ang mapagpakumbabang tao.
30 Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal:
Oo, siya’y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay.