Ang ika siyam na pagsasalita ni Job.
1 Nang magkagayo’y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan!
Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas!
3 Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan,
At saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman!
4 Kanino mo binigkas ang mga salita?
At kanino ang diwa na lumabas sa iyo?
5 Is. 14:9;29:14,19.Ang mga patay ay nanginginig
Sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon.
6 Awit 139:8;Kaw. 15:11;Heb. 4:13.Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios,
At ang Job 28:12;31:12.Abaddon ay walang takip.
7 Job 9:8.Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman,
At ibinibitin ang lupa sa wala.
8 Kaw. 30:4.Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap;
At ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila.
9 Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan,
At iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon.
10 Job 38:8-11.Siya’y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig,
Hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.
11 Job 9:6.Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig.
At nangatitigilan sa kaniyang saway.
12 Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan,
At sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab.
13 Is. 27:1.Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit;
Sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas.
14 Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan:
At pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya!
Nguni’t sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan?