Pular para o conteúdo
Publicidade

JOB 38

4 Saan ka nandoon Awit 104:4.nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa?

Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.

5 Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman?

O sinong nagunat ng panukat diyan?

6 Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan?

O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;

7 Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga.

At ang lahat ng mga anak ng Dios ay Job 1:6.naghihiyawan sa kagalakan?

8 Awit 104:8,9.O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat,

Nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata;

9 Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon,

At ang salimuot na Job 22:13.kadiliman na pinakabalot niyaon,

10 At aking Job 26:10.itinatag doon ang aking pasiya,

At nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,

11 At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni’t hindi ka na lalagpas:

At dito’y Awit 89:9;93:4.titigil ang iyong mga palalong alon?

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também