Ang pagkamatuwid ni Job at ang kaniyang kayamanan.
1 May isang lalake sa lupain ng Jer. 25:20;Panag. 4:21.Uz, na ang pangalan ay Ezek. 14:14;Sant. 5:11.Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Dios, at Awit 34:14.humihiwalay sa kasamaan.
2 At may ipinanganak sa kaniya na pitong anak na lalake at tatlong anak na babae.
3 Ang kaniyang pagaari naman ay pitong libong tupa, at tatlong libong kamelyo, at limang daang magkatuwang na baka, at limang daang asnong babae, at isang totoong malaking sangbahayan; na anopa’t ang lalaking ito ay siyang pinaka dakila sa lahat na mga anak ng silanganan.