8 Kaya’t magsikuha kayo sa inyo ngayon ng Blg. 23:1.pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at Sant. 5:16.idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka’t siya’y aking tatanggapin, baka kayo’y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka’t hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job.
9 Sa gayo’y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon: at nilingap ng Panginoon si Job.
10 Awit 14:7;53:6;85:1;139:6.At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job, nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan; at binigyan ng Panginoon si Job Is. 40:2.na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati.