Publicidade

Jó 5

Ang makasalanan ay hindi matatag.

1 Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo?

At sa kanino sa mga Job 15:15;Awit 89:5,7.banal babalik ka?

2 Sapagka’t ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal,

At ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.

3 Awit 37:35,36.Aking nakita ang hangal na umuunlad:

Nguni’t agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.

4 Awit 127:5.Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan,

At Awit 109:12.sila’y mangapipisa sa pintuang-bayan,

Na wala mang magligtas sa kanila.

5 Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom,

At kinukuha na mula sa mga tinik,

At ang silo ay nakabuka sa kanilang pagaari.

6 Sapagka’t ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok,

Ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;

7 Gen. 3:17,19;1 Cor. 10:13.Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan.

Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.

8 Nguni’t sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios,

At sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:

9 Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita;

Ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:

10 Awit 65:9,10.Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa,

At nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;

11 Na anopa’t kaniyang iniuupo sa mataas 1 Sam. 2:7.yaong nangasa mababa;

At yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.

12 Awit 33:10.Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha,

Na anopa’t hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.

13 Job 18:7;1 Cor. 3:19.Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha:

At ang payo ng suwail ay napapariwara.

14 Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw,

Deut. 28:29.At nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.

15 Awit 112:2.Nguni’t kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig,

Sa makatuwid baga’y ang maralita sa kamay ng malakas.

16 Na anopa’t ang dukha ay may pagasa,

Awit 107:42.At ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.

Ang kagalingan ng parusa.

17 Narito, Awit 94:12.maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios:

Kaya’t Kaw. 3:11.huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.

18 Deut. 32:39.Sapagka’t siya’y sumusugat, at nagtatapal;

Siya’y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.

19 Kaniyang ililigtas ka sa Awit 34:19.anim na kabagabagan.

Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.

20 Awit 33:19.Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan;

At sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.

21 Ikaw ay makukubli Awit 31:20.sa talas ng dila;

Na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.

22 Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka;

Ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.

23 Os. 2:18.Sapagka’t ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang;

At ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.

24 At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan;

At iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.

25 Iyo rin namang makikilala na ang Awit 112:2.iyong binhi ay magiging dakila,

At ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.

26 Ikaw ay Kaw. 19:11;10:27.darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan.

Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.

27 Narito, aming siniyasat, at gayon nga;

Dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-