16 Kapag iniinom natin ang alak sa kopa na ipinagpapasalamat natin sa Diyos, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa dugo ni Kristo? Kapag kinakain natin ang tinapay na pinagpipira-piraso, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa katawan ni Kristo? 17 Kaya nga, iisang katawan lamang tayo kahit maraming bahagi, dahil iisang tinapay lamang ang ating pinagsasaluhan.
18 Tingnan ninyo ang mga Israelita. Ang mga kumakain ng mga handog ay mga kabahagi sa gawain sa altar.