Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Taga-Corinto 11:23-26

OASD Ang Salita ng Diyos

23 Ito ang turo na ibinigay sa akin ng Panginoon, at itinuturo ko naman sa inyo: Noong gabing ipagkanulo ang Panginoong Hesus, kumuha siya ng tinapay, 24 at pagkatapos niyang magpasalamat sa Diyos, hinati-hati niya ito at sinabi, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin." 25 Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa kopa. Kinuha niya ito at sinabi, "Ang kopang ito ang bagong kasunduang pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin." 26 Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    23 Sapagka’t 1 Cor. 15:3.tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na Mat. 26:26-28;Mar. 14:22-24;Luc. 22:19-20;1 Cor. 10:16.ang Panginoong Jesus nang gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;

    24 At nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito’y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

    25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo’y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.

    26 Sapagka’t sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon 1 Cor. 4:5.hanggang sa dumating siya.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.