4 May ibaʼt iba tayong kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung pinagmulan nito. 5 May ibaʼt ibang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran natin. 6 Mayroong ibaʼt ibang mga kakayahan upang magsagawa ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Diyos na nagbibigay ng lahat ng mga kakayahang ito.
7 May mga kakayahang ipinagkaloob sa bawat isa sa atin na nagpapakita na nasa atin ang Espiritu, at ang mga itoʼy palaging para sa kapakinabangan ng buong iglesya.
22 Ang totoo, ang mga bahagi ng katawan na parang mahina ang siya pang kailangang-kailangan.