Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Taga-Corinto 13:1-7

1 Kung makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao o ng mga anghel, ngunit wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumataginting. 2 Kung may kakayahan man akong magpropesiya at umunawa sa lahat ng hiwaga at lahat ng kaalaman, at kung mayroon man akong pananampalatayang kayang maglipat ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. 3 At kahit ipamigay ko ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati ang aking katawan para sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala.

4 Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, 5 hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, 6 hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, 7 laging pinapasan ang lahat, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.