Tulong para sa mga Taga-Judea
1 Ngayon, tungkol naman sa tulong na nalikom para sa mga hinirang ng Diyos sa Judea, gayahin ninyo ang ipinagawa ko sa mga iglesyang nasa Galacia. 2 Sa bawat Linggo, dapat maglaan ang bawat isa sa inyo ng halagang ayon sa inyong kinikita, at maipon ito upang pagdating ko diyan ay nakahanda na ang inyong tulong. 3 Pagdating ko riyan, ang mga taong pipiliin ninyo na magdadala ng inyong tulong sa Jerusalem ay bibigyan ko ng sulat na magpapakilala sa kanila.