9 Ganito nga ang sinasabi sa Kasulatan:
"Wala pang mga matang nakakita,
wala ring mga taingang nakarinig,
at wala pang taong nakaisip
sa mga bagay na inihanda ng Diyos
para sa mga nagmamahal sa kanya."2:9 Isa. 64:4.
10 Ngunit ang mga bagay na itoʼy ipinahayag na sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu.
Sapagkat ang lahat ng bagay ay sinisiyasat ng Espiritu, maging ang mga malalalim na kaisipan ng Diyos.