15 Ngunit kapag ito namaʼy nasunog, wala siyang tatanggaping gantimpala. Ganoon pa man, maliligtas siya, ngunit katulad lamang ng isang taong nakaligtas sa apoy.
16 Hindi ba ninyo alam na kayoʼy templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo? 17 Ang sinumang wawasak sa Templo ng Diyos ay parurusahan niya, dahil banal ang Templo ng Diyos. At ang templong iyon ay walang iba kundi kayo.