Pag-iwas sa Sekswal na Imoralidad
12 Maaaring may magsabi sa inyo, "Puwede kong gawin ang kahit ano." Ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakabuti sa inyo. Kaya kahit puwede kong gawin ang kahit ano, hindi ako magpapaalipin dito. 13 Maaari rin namang sabihin ng iba, "Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain." Totoo iyan, ngunit darating ang araw na pareho itong sisirain ng Diyos. Ang katawan ay hindi para sa seksuwal na imoralidad kundi para sa paglilingkod sa Panginoon; at ang Panginoon ang nag-iingat nito. 14 Ang katawan natiʼy muling bubuhayin ng Diyos sa huling araw, tulad ng ginawa niya sa ating Panginoon.
15 Hindi baʼt tayong mga mananampalataya ay bahagi ng katawan ni Kristo? Iyan ang dahilan kung bakit hindi talaga natin maaaring gamitin ang ating katawan, na bahagi ng katawan ni Kristo, sa pakikipagtalik sa babaeng bayaran. 16 Hindi baʼt ang nakikipagtalik sa ganoong uri ng babae ay nagiging kaisang-katawan na niya? Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, "Silang dalawaʼy magiging isa."6:16 Gen. 2:24. 17 At kung nakikipag-isa tayo sa Panginoong Hesu-Kristo kaisa niya tayo sa espiritu.
18 Kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. Ang ibang kasalanang ginagawa ng tao ay walang kinalaman sa kanyang katawan, ngunit ang gumagawa ng seksuwal na imoralidad ay nagkakasala sa sarili niyang katawan. 19 Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Diyos, 20 dahil tinubos niya ng napakalaking halaga. Kayaʼt luwalhatiin ninyo ang Diyos gamit ang inyong katawan.