9 Hindi ba ninyo alam na hindi mapapabilang ang mga masasama sa kaharian ng Diyos6:9 kaharian ng Diyos: Ang ibig sabihin ay "paghahari ng Diyos na nahayag noong dumating si Kristo at ganap na mararanasan sa pagbalik niya."? Huwag kayong palilinlang! Sapagkat kailanmaʼy hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos ang mga imoral, sumasamba sa diyos-diyosan, nangangalunya, nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki o babae. 10 Gayundin naman ang mga magnanakaw, mga sakim, mga lasenggo, mga maninirang-puri at mga mandarambong ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos. 11 At ganyan nga ang ilan sa inyo noon. Ngunit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ibinukod na kayo ng Diyos upang maging kanya; itinuring na kayong matuwid dahil sa Panginoong Hesu-Kristo at sa Espiritu ng ating Diyos.
Publicidade