Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Taga-Corinto 7:7-9,26,28,29,32-35,38-40

7 Kung puwede lang, gusto ko sanang kayong lahat ay maging katulad ko. Ngunit may kanya-kanyang kaloob sa atin ang Diyos, at hindi ito pare-pareho.

8 Ngayon, ito naman ang masasabi ko sa mga wala pang asawa at sa mga biyuda: Mas maiging manatili na lamang kayo sa ganyang kalagayan kagaya ko. 9 Ngunit kung hindi kayo makapagpigil sa inyong sarili, mag-asawa na lamang kayo. Mas mabuti na ito kaysa sa magkasala kayo dahil sa matinding pagnanasa ng laman.

26 Dahil sa kahirapan ngayon, mas mabuti kung magpatuloy na lamang kayo sa inyong kalagayan. 28 Ngunit kung mag-asawa ka man, hindi ka magkakasala. At kung mag-asawa ang isang dalaga, hindi rin siya magkakasala. Kaya ko lamang sinasabi sa mga wala pang asawa na manatili na lamang na ganoon ay dahil gusto kong maiwasan nila ang mga hirap ng buhay may asawa.

29 Ang ibig kong sabihin mga kapatid, maikli na lang ang natitirang panahon. Kaya ang mga may asawa ay dapat nang mamuhay na parang walang asawa,

32 Gusto ko sanang wala kayong inaalala. Kapag ang isang lalaki ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang kanyang paglilingkod sa Panginoon at kung paano siya magiging kalugod-lugod sa kanya. 33 Ngunit ang lalaking may asawa ay abala sa mga bagay dito sa mundo – kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa – 34 at dahil dito, hati ang kanyang isipan. Ganoon din naman sa mga babae. Kung ang isang babae ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang paglilingkod sa Panginoon, at nais niyang ilaan ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa kanya. Ngunit ang babaeng may asawa ay abala sa mga bagay dito sa mundo, at kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa. 35 Sinasabi ko lamang ito para sa inyong kabutihan; hindi ko kayo pinagbabawalang mag-asawa. Ang gusto ko lamang ay hanggaʼt maaari, maging maayos at walang hadlang ang inyong paglilingkod sa Panginoon.

38 Kaya mabuti kung mag-aasawa siya, ngunit mas mabuti kung hindi.

39 Ang babae ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay pa ito. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siyang mag-asawang muli ng sinumang gusto niya, pero dapat sa isa ring mananampalataya sa Panginoon. 40 Ngunit para sa akin, magiging mas maligaya siya kung hindi siya mag-aasawang muli. At sa tingin ko namaʼy nagmumula sa Espiritu ng Diyos ang itinuturo kong ito sa inyo.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.