22 At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Kristo. Magmahalan kayo nang taos-puso, 23 dahil ipinanganak na kayong muli. At ang kapanganakang itoʼy hindi sa pamamagitan ng mga magulang ninyong namamatay, kundi sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Diyos. 24 Ayon sa Kasulatan:
"Ang lahat ng tao ay parang damo,
ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito.
Ang damo ay nalalanta
at ang bulaklak nito ay nalalaglag,
25 ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman."1:25 Isa. 40:6-8. Ito ay hango sa saling Septuagint.
At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.