20 na hindi sumunod sa Diyos noong panahon ni Noe. Sa panahong iyon, matiyagang hinintay ng Diyos ang pagsampalataya nila sa kanya habang ginagawa ang barko. Ngunit walong tao lang ang sumampalataya at pumasok sa barko at nakaligtas sa tubig. 21 Ang tubig na itoʼy larawan ng bautismong nagliligtas sa atin sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Hindi ito paghuhugas ng dumi sa katawan, kundi pangako natin sa Diyos na hindi na tayo gagawa ng anumang bagay na alam nating labag sa kalooban niya. 22 Si Hesu-Kristo ay nasa langit na ngayon, sa kanan ng Diyos,3:22 sa kanan ng Diyos: Ang ibig sabihin, "si Hesus ang pinakadakila at pinakamakapangyarihan sa lahat." at ipinasakop sa kanya ang lahat ng anghel at ang lahat ng espiritung namumuno at may kapangyarihan.