Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Pedro 5

Mga Bilin sa mga Pinuno ng Iglesya at sa mga Kabataan

1 Sa mga pinuno ng iglesya5:1 iglesya: Ang ibig sabihin, "mga mananampalataya ni Kristo.", may nais akong ipakiusap sa inyo bilang kapwa pinuno ng iglesya at saksi sa mga paghihirap ni Kristo, at makikibahagi rin sa kaluwalhatiang ipapakita sa atin sa kanyang muling pagdating. 2 Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang nasa pangangalaga ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga pastol nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Diyos. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila. 3 Huwag kayong maghahari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo, kundi maging halimbawa kayo sa kanila.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também