Ang Kasalanan ng Dalawang anak ni Eli
12 Parehong salbahe tao ang dalawang anak ni Eli. Hindi sila sumusunod sa Panginoon 13 Ito ang kanilang ginagawa kapag may naghahandog: Habang pinapakuluan ang mga karneng ihahandog, pinapapunta nila roon ang katulong nila na may dalang malaking tinidor na may tatlong tulis. 14 Pagkatapos, tutusukin ng alipin ang mga karne sa loob ng kawali, kawa, kaldero o palayok. Ang matusok ng tinidor ay ang bahaging mapupunta sa mga pari. Ganito ang kanilang ginagawa tuwing maghahandog ang mga Israelita sa Silo. 15 At bago pa masunog ang taba ng karne, pumupunta ang alipin sa naghahandog at sinasabi, "Bigyan mo ang pari ng karneng maiihaw. Hindi siya tumatanggap ng pinakuluan. Hilaw lang ang gusto niya."
16 Kapag sinabi ng naghahandog na, "Hintayin muna nating maihandog ang taba ng karne bago ka kumuha ng gusto mo," sasabihin ng alipin, "Hindi maaari! Kailangang ngayon mo ibigay dahil kung hindi, aagawin ko iyan sa iyo."
17 Malaking kasalanan sa paningin ng Panginoon ang ginagawa ng mga anak ni Eli dahil hindi nila iginagalang ang handog para sa Panginoon.