41 Nang makaalis na ang bata, lumabas si David sa batong pinagtataguan niya at lumuhod sa harap ni Jonatan nang tatlong beses na ang mukhaʼy nakadikit sa lupa bilang paggalang. Hinagkan nila ang isaʼt isa at kapwa umiyak, pero mas malakas ang iyak ni David.
42 Sinabi ni Jonatan kay David, "Sige, sanaʼy maging matiwasay ang iyong paglalakbay. At sanaʼy tulungan tayo ng Panginoon na matupad ang mga sumpaan natin sa isaʼt isa, hanggang sa mga magiging angkan natin." Lumakad na si David, at si Jonatan namaʼy bumalik sa bayan.