Publicidade

1 Samuel 5

6 Pinarusahan nang matindi ng Panginoon ang mga taga-Asdod at mga karatig lugar nito. Binigyan sila ng Panginoon ng mga bukol bilang parusa sa kanila. 7 Nang makita ng mga taga-Asdod ang nangyari, sinabi nila, "Hindi dapat manatili sa atin ang Kahon ng Diyos ng Israel dahil pinarurusahan niya tayo at si Dagon na ating diyos." 8 Kaya ipinatawag nila ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo at nagtanong, "Ano ang gagawin natin sa Kahon ng Diyos ng Israel?" Sumagot sila, "Dalhin ito sa Gat." Kaya dinala nila ang Kahon ng Diyos ng Israel sa Gat.

9 Ngunit nang dumating ito roon, pinarusahan din ng Panginoon ang mga tao sa lungsod na iyon. Labis na nagkagulo ang buong bayan dahil binigyan din sila ng Panginoon ng mga bukol, bata man o matanda. 10 Dahil doon, ipinadala nila ang Kahon ng Diyos sa Ekron.

Habang parating pa lang sila roon, nagrereklamo na ang mga mamamayan ng Ekron. Sinabi nila, "Dinala nila rito ang Kahon ng Diyos ng Israel para patayin din tayong lahat." 11 Kaya ipinatawag nila ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo at sinabi, "Ilayo ninyo rito ang Kahon ng Diyos ng Israel at ibalik ito sa kanyang lugar dahil kung hindi, mamamatay kaming lahat." Ito ang sinabi nila dahil nagsimula na ang matinding parusa ng Diyos sa kanilang lungsod. Nagkagulo ang lahat sa takot dahil marami na ang namatay.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-