Ang Tagubilin kay Timoteo Laban sa mga Maling Aral
3 Gaya ng ibinilin ko saʼyo noong papunta ako sa Macedonia, manatili ka muna riyan sa Efeso para sabihan ang ilang tao na ihinto na ang pagtuturo ng maling aral. 4 Pagsabihan mo silang huwag aksayahin ang kanilang panahon sa mga walang kabuluhang alamat at sa pagsasaliksik sa talaan ng mga ninuno. Nagdudulot lang ng pagtatalo-talo ang mga bagay na ito at hindi nakakatulong upang matupad ang kalooban ng Diyos, na magagawa lamang sa pamamagitan ng pananampalataya.