2 Ang isang tagapangasiwa ay dapat walang kapintasan,3:2 walang kapintasan: O may magandang reputasyon. tapat sa kanyang asawa, hindi madaling magalit, marunong magpigil sa sarili, kagalang-galang, bukas ang tahanan sa mga tao, at may kakayahang magturo. 3 Hindi siya dapat lasenggo, hindi marahas kundi mahinahon, hindi palaaway, at hindi mukhang pera. 4 Kailangan ding mahusay siyang mamahala sa pamilya niya; iginagalang at sinusunod ng mga anak niya.