Ang Pananampalataya ng mga taga-Tesalonica
2 Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa inyong lahat at palagi namin kayong binabanggit sa aming mga panalangin. 3 Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa na bunga ng pananampalataya, ang pagpapagal ninyong mula sa pag-ibig, at ang inyong pagtitiis na mula sa inyong pag-asa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo.