Ang Araw ng Panginoon
1 Mga kapatid, hindi ko na kailangang isulat pa sa inyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na ito, 2 sapagkat alam na ninyong ang pagbabalik ng araw ng Panginoon ay katulad ng isang magnanakaw na dumarating sa gabi. 3 Mangyayari ito habang inaakala ng mga tao na mapayapa at ligtas ang kalagayan nila. Biglang darating ang kapahamakan sa kanila tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaeng manganganak na. At hindi sila makakaligtas.