Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Tessalonicenses 5

Ang Araw ng Panginoon

1 Mga kapatid, hindi ko na kailangang isulat pa sa inyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na ito, 2 sapagkat alam na ninyong ang pagbabalik ng araw ng Panginoon ay katulad ng isang magnanakaw na dumarating sa gabi. 3 Mangyayari ito habang inaakala ng mga tao na mapayapa at ligtas ang kalagayan nila. Biglang darating ang kapahamakan sa kanila tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaeng manganganak na. At hindi sila makakaligtas.

4 Ngunit hindi na kayo namumuhay sa kadiliman, mga kapatid, kayaʼt hindi kayo mabibigla sa araw ng pagbabalik ng Panginoon na darating na tulad ng magnanakaw. 5 Kayong lahat ay nasa panig ng liwanag, nasa panig ng araw. Hindi kayo pag-aari ng gabi o ng kadiliman.

Veja também

1 Tessalonicenses
Ver todos os capítulos de 1 Tessalonicenses