6 Kaya noong panahong iyon, tinipon ni Joram ang buong Israel at umalis sila sa Samaria upang lusubin ang Moab. 7 Nagpadala siya ng ganitong mensahe kay Haring Jehoshafat ng Juda: "Nagrebelde sa akin ang hari ng Moab. Sasáma ka ba sa akin para makipaglaban sa kanila?"
Sumagot si Jehoshafat, "Oo, sasáma ako saʼyo. Handa akong sumáma sa iyo pati na ang aking mga sundalo. Maging ang mga kabayo ko ay handa kong ipagamit saʼyo.