Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Mga Taga-Tesalonica 1

1 Mula kay , kasama sina 1:1 Silas: Sa Griyego, Silvano. at Timoteo,

Sa iglesya1:1 iglesya: Ang ibig sabihin, "mga mananampalataya ni Kristo." ng mga taga-Tesalonica na nasa Diyos Ama at nasa Panginoong Hesu-Kristo:

2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.

Pasasalamat at Panalangin

3 Mga kapatid, nararapat lang na pasalamatan namin ang Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay Kristo at pagmamahal sa isaʼt isa. 4 Kaya naman, ipinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar dahil sa katatagan at pananampalataya ninyo, sa kabila ng lahat ng dinaranas ninyong paghihirap at pag-uusig.

5 Ang mga ito ay patunay na makatarungan ang hatol ng Diyos, at dahil ditoʼy ginawa kayong karapat-dapat na mapabilang sa kaharian ng Diyos, na dahilan ng inyong pagdurusa. 6 Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo.

7 At kayong mga naghihirap ay bibigyan niya ng kapahingahan kasama namin. Mangyayari ito pagbalik ng Panginoong Hesus mula sa langit kasama ang kanyang makapangyarihang mga anghel. 8 Darating siyang napapalibutan ng nagliliyab na apoy, at parurusahan niya ang mga hindi kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita tungkol sa ating Panginoong Hesus. 9 Parurusahan sila ng walang hanggang paghihirap at pagkawalay sa Panginoon, at hindi na nila makikita pa ang dakila niyang kapangyarihan. 10 Mangyayari ito sa araw ng pagbabalik niya. Papupurihan at pararangalan siya ng mga hinirang niya na walang iba kundi ang lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang kayo rito, dahil naniwala kayo sa ipinahayag namin sa inyo.

11 Ito ang dahilan kung bakit palagi namin kayong ipinapanalangin na tulungan kayo ng Diyos na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga hinirang niya. At dalangin din namin na sa tulong ng kapangyarihan niya, magawa nʼyo ang lahat ng mabubuting bagay na gusto ninyong gawin dahil sa inyong pananampalataya. 12 Sa ganitong paraan, maluluwalhati ninyo ang ating Panginoong Hesus at kayo naman ay mapaparangalan niya ayon sa biyaya ng ating Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo.

Pessoa
G3972
Paulo
ΠαῦλοςPau͂los
Paulo, também chamado Saulo, foi apóstolo de Cristo Jesus e, com Barnabé, voltou-se para os gentios. Antes, devastava a igreja e lançava homens e mulheres na prisão, até ouvir uma voz e ser levado sem enxergar até Damasco (Atos 13:46).
Significado: “Pequeno, humilde”
Ver página completa
Pessoa
G4609
Silas
ΣιλᾶςSila͂s
Silas foi um dos líderes entre os irmãos, também profeta, enviado a Antioquia com Paulo e Barnabé. Depois Paulo escolheu Silas e partiu, encomendado pelos irmãos à graça do Senhor (Atos 15:40).
Citado em 17 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de 2 Mga Taga-Tesalonica 3
  1. 1
  2. 2
  3. 3

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.