1 Tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo at kung paanong tayoʼy titipunin upang katagpuin siya, hinihiling namin, mga kapatid, 2 na huwag kayong mag-alala o mabahala dahil sa mga taong nagsasabing dumating na ang araw ng Panginoon. Huwag kayong maniwala kahit sabihin pa nilang sinabi ito ng Espiritu sa kanila, nabalitaan, o nabasa man sa isang sulat na galing daw sa amin. 3 Huwag kayong magpalinlang sa kanila sa anumang paraan. Sapagkat hindi darating ang araw ng pagbabalik ng Panginoon hanggaʼt hindi pa nagsisimula ang huling paghihimagsik ng mga tao sa Diyos, at hindi pa lumilitaw ang suwail2:3 suwail: Sa ilang manuskrito, makasalanan. na tao na itinalaga sa walang hanggang kapahamakan. 4 Kakalabanin niya ang lahat ng sinasamba at itinuturing na diyos ng mga tao, at itataas ang sarili sa lahat ng mga ito. Uupo siya sa loob ng Templo ng Diyos at itatanghal ang sarili bilang Diyos.
Publicidade
2 Tessalonicenses 2
Ang Suwail