9 "Pagkatapos ay nakita ko,
may mga tronong inilagay,
at umupo sa kanyang trono
ang Diyos na Buháy Magpakailanman.
Nakakasilaw ang kanyang damit
at buhok dahil sa kaputian.
Nagliliyab ang kanyang tronong
may mga gulong.
10 At mula sa kanya ay umaagos ang apoy.
Libo-libo ang mga naglilingkod sa kanya;
mas marami pa sa sampung libo
ang nakatayo sa kanyang harapan.
Handa na siyang humatol,
kaya binuksan ang mga aklat.