3 Huwag kayong kakain ng anumang hayop na itinuturing na kasuklam-suklam. 4 Ito ang mga hayop na maaari ninyong kainin: baka, tupa, kambing, 5 usa, mailap na kambing, mailap na tupa at iba pang uri ng usa.14:5 Ang ibang mga hayop dito sa tekstong Hebreo ay mahirap kilalanin. 6 Maaari ninyong kainin ang anumang hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng kanilang kinain. 7 Ngunit huwag ninyong kakainin ang mga hayop na nginunguyang muli ang kinain nito ngunit hindi biyak ang kuko, gaya ng kamelyo, kuneho at daga sa batuhan. Ituring ninyong marumi ang mga hayop na ito. 8 Huwag din ninyong kakainin ang baboy, dahil kahit biyak ang kuko nito, hindi naman nginunguya ang kinakain nito. Ito ay marumi. Huwag ninyong kakainin ang mga hayop na ito o hahawakan ang kanilang patay na katawan.
9 Maaari ninyong kainin ang anumang hayop na nabubuhay sa tubig na may palikpik at kaliskis. 10 Ngunit huwag ninyong kainin ang walang palikpik at kaliskis. Ituring ninyo itong marumi.
11 Maaari ninyong kainin ang anumang klase ng ibon na itinuturing na malinis. 12-18 Ngunit huwag ninyong kakainin ang mga ibon katulad ng agila, uwak, buwitre, mga uri ng lawin, kuwago, ibong maninila, ibong dumadagit ng isda, tagak, at paniki.14:12-18 paniki: O paniking-bahay. Itinuturing ito na ibon ng mga Israelita.
19 Huwag din ninyong kakainin ang mga kulisap na may pakpak na gumagapang. Marumi ang mga ito. 20 Ngunit maaari ninyong kainin ang mga kulisap na itinuturing na malinis.
21 Huwag ninyong kakainin ang anumang hayop na patay na. Maaari ninyo itong ipagbili sa mga dayuhan o ibigay sa mga dayuhang naninirahang sa bayan nʼyo, at kakainin nila ito. Ngunit huwag kayong kakain nito dahil ibinukod kayo bilang mamamayan ng Panginoon na inyong Diyos.
Huwag ninyong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kanyang ina.