Pular para o conteúdo
Publicidade

Deuteronomio 23

Ang mga Taong Itiniwalag sa Kapulungan ng Israel

1 Walang taong kinapon o pinutulan ng ari ang makakasama sa pagtitipon ng mga mamamayan ng Panginoon.

2 Ang anak sa labas ay hindi makakasama sa pagtitipon ng mga mamamayan ng Panginoon pati na ang kanyang angkan hanggang sa ikasampung salinlahi.

3 Walang Amonita o Moabita o sinuman sa kanilang lahi hanggang sa ikasampung salinlahi ang makakasama sa pagtitipon ng mga mamamayan ng Panginoon. 4 Sapagkat hindi nila kayo binigyan ng pagkain o tubig nang naglalakbay kayo mula sa Ehipto, at sinulsulan pa nila si na anak ni na taga-Petor sa para sumpain kayo. 5 Ngunit hindi nakinig ang Panginoon na inyong Diyos kay . Sa halip, ginawa niyang basbas ang sumpa sa inyo, dahil minamahal kayo ng Panginoon na inyong Diyos. 6 Habang buháy kayo, huwag kayong tutulong sa mga Amoreo o Moabita sa anumang paraan.

7 Huwag ninyong kamumuhian ang mga Edomita, dahil kadugo nʼyo sila. Huwag din ninyong kamumuhian ang mga Ehipsiyo dahil tumira kayo dati sa kanilang lupain bilang mga dayuhan. 8 Ang kanilang mga angkan sa ikatlong salinlahi ay maaaring makasama sa pagtitipon ng mga mamamayan ng Panginoon.

Iba pang mga Tuntunin

9 Kapag makikipaglaban kayo sa inyong mga kaaway, umiwas kayo sa anumang bagay na makakadungis sa inyo. 10 Kung may isa sa inyo na nilabasan ng binhi sa kanyang pagtulog sa gabi, kailangang lumabas siya sa kampo at doon muna siya manatili.

11 Pagdating ng hapon, maliligo siya, at paglubog ng araw, maaari na siyang makabalik sa kampo.

12 Pumili kayo ng lugar sa labas ng kampo na gagawin ninyong palikuran. 13 Kailangang may panghukay ang bawat isa sa inyo, para huhukay kayo kapag nadudumi kayo, at tatabunan ninyo ito pagkatapos. 14 Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay naglilibot sa inyong kampo para iligtas kayo at ibigay sa inyo ang inyong mga kaaway. Kaya kailangang banal ang inyong kampo, upang wala siyang makitang malaswa sa inyo at talikuran niya kayo.

15 Kung tumakas ang isang alipin sa kanyang amo at tumakbo sa inyo, huwag ninyo siyang piliting bumalik sa kanyang amo. 16 Patirahin ninyo siya sa inyong lugar, kahit saang bayan niya gusto. Huwag ninyo siyang aapihin.

17 Dapat walang Israelita, lalaki man o babae, na magbebenta ng kanyang katawan bilang pagsamba sa mga diyos-diyosan sa templo. 18 Huwag ninyong dadalhin sa bahay ng Panginoon na inyong Diyos ang perang natanggap ninyo sa pamamaraang ito bilang bayad sa inyong pangako sa Panginoon na inyong Diyos, dahil kasuklam-suklam ito sa kanya.

19 Kung magpapautang kayo sa kapwa ninyo Israelita, huwag ninyo itong tutubuan, pera man ito o pagkain o anumang bagay na maaaring patubuan. 20 Maaari kayong magpautang nang may patubo sa mga dayuhan, ngunit hindi sa mga kapwa ninyo Israelita. Gawin ninyo ito upang pagpalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo roon sa lupain na titirhan at aangkinin ninyo.

21 Kung gagawa kayo ng panata sa Panginoon na inyong Diyos, huwag ninyong patatagalin ang pagtupad nito, dahil siguradong sisingilin kayo ng Panginoon na inyong Diyos, at magkakasala kayo sa hindi pagtupad nito. 22 Hindi ito kasalanan kung hindi kayo gumawa ng panata sa Panginoon. 23 Ngunit anumang ipanata ninyo sa Panginoon na inyong Diyos ay dapat ninyong tuparin.

24 Kung pupunta kayo sa ubasan ng inyong kapwa, maaari kayong kumain hanggang gusto ninyo, ngunit huwag kayong kukuha at maglalagay sa inyong lalagyan. 25 Kung mapapadaan kayo sa taniman ng trigo ng inyong kapwa, maaari kayong makaputol ng mga uhay, ngunit huwag ninyo itong gagamitan ng karit na panggapas.

Pessoa
H1109a
Balaão
בִּלְעָ֣םbiləam
Balaão, filho de Beor, foi chamado por Balaque, rei de Moabe, para amaldiçoar Israel, mas Deus o impediu e ele abençoou o povo (Números 22:5).
Citado em 59 versículos
Ver página completa
Pessoa
H1160
Beor
בְּע֗וֹרbəor
Beor foi o pai de Balaão, o adivinho que Balaque chamou para amaldiçoar Israel (Números 22:5).
Significado: “Talvez um incêndio”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Mesopotâmia
Hoje: Harrã (Şanlıurfa), Turquia
אֲרַם נַהֲרַיִםaram naharayimΜεσοποταμίαMesopotamia
Mesopotâmia é a terra onde Deus apareceu a Abraão, antes de ele morar em Harã, e onde Cusã-Risataim foi rei e dominou Israel por oito anos até Otoniel vencê-lo (Atos 7:2).
36,86° N, 39,03° L
Citado em 7 versículos
Ver página completa
Pessoa
H1109a
Balaão
בִּלְעָ֣םbiləam
Balaão, filho de Beor, foi chamado por Balaque, rei de Moabe, para amaldiçoar Israel, mas Deus o impediu e ele abençoou o povo (Números 22:5).
Citado em 59 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Deuteronomio 34
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.