Pular para o conteúdo
Publicidade

Deuteronomio 5:1-21

Ang Sampung Utos

1 Tinipon ni ang lahat ng mga Israelita at sinabi sa kanila:

"O mga Israelita, pakinggan ninyo ang mga utos at tuntunin na ibibigay ko sa inyo sa araw na ito. Pag-aralan ninyo ito at sundin. 2 Gumawa sa atin ng kasunduan ang Panginoon na ating Diyos sa Bundok ng .5:2 Bundok ng Sinai: Sa Hebreo, Horeb. 3 Hindi ito ginawa ng Panginoon sa ating mga ninuno kundi sa ating lahat na nabubuhay ngayon. 4 At doon sa bundok nagsalita ang Panginoon sa inyo mula sa apoy na parang magkaharap lang kayo. 5 Nakatayo ako sa pagitan ninyo at ng Panginoon nang oras na iyon para sabihin sa inyo ang mensahe ng Panginoon, dahil natatakot kayo sa apoy at ayaw ninyong umakyat sa bundok."

Sinabi ng Panginoon:

6 "Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto kung saan kayo inalipin.

7 "Huwag kayong sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.

8 Huwag kayong gagawa ng imahen ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig para gawing diyos-diyosan ninyo. 9 Huwag ninyong paglilingkuran o sasambahin ang mga ito, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos ay mapanibughuin. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin. 10 Ngunit ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyong nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko.

11 Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan.

12 Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at gawin ninyo itong natatanging araw para sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, ayon sa iniutos ko sa inyo. 13 Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw, 14 ngunit ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay ilaan ninyo para sa akin, ang Panginoon, na inyong Diyos. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na ito pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga baka, mga asno at iba pang mga hayop, o ang mga dayuhang naninirahang kasama mo. Sa ganitong paraan ay makakapagpahinga ring katulad ninyo ang inyong mga alipin. 15 Alalahanin ninyong mga alipin kayo noon sa Ehipto, at ako ang Panginoon na inyong Diyos ang naglabas sa inyo roon sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan. Kaya ako, ang Panginoon na inyong Diyos ay nag-uutos sa inyo na sundin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.

16 Igalang ninyo ang inyong mga magulang, ayon sa iniutos ng Panginoon sa inyo upang mabuhay kayo nang matagal at maging mabuti ang inyong kalagayan sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.

17 Huwag kayong papatay.

18 Huwag kayong mangangalunya.

19 Huwag kayong magnanakaw.

20 Huwag kayong sasaksi nang hindi totoo laban sa inyong kapwa.

21 Huwag ninyong pagnanasahan ang asawa ng inyong kapwa o ang kanyang bahay, lupa, mga alipin, mga baka o mga asno, o alin mang pag-aari niya."

Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
מֹשֶׁ֔הmoshehΜωϋσῆςMōüsē͂s
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Monte / Elevação
Monte Horebe
Hoje: Jebel Musa
סִינַיsinayΣινᾶSina
O Monte Horebe é o monte de Deus, onde o Senhor fez aliança com os israelitas depois da saída do Egito e onde Moisés pôs as duas tábuas (2 Crônicas 5:10).
28,54° N, 33,97° L
Citado em 17 versículosTb.: Horebe
Ver página completa
Todos os capítulos de Deuteronomio 34
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.