5 Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas. 6 Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. 7 Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.
20 Sa darating na panahon, kung tanungin kayo ng inyong mga anak, "Ano po ba ang ibig sabihin ng mga katuruan, tuntunin at kautusan na iniutos ng Panginoon na ating Diyos?" 21 Sabihin ninyo sa kanila, "Mga alipin kami noon ng hari6:21 hari: Sa literal, Faraon. ng Ehipto, ngunit inilabas kami roon ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. 22 Nakita namin ang mga dakilang himala at mga kamangha-manghang bagay na ginawa ng Panginoon sa pagpaparusa sa mga mamamayan ng Ehipto, kasama ng Faraon at ng buong sambahayan niya. 23 At inilabas niya kami sa Ehipto para dalhin sa lupain na kanyang ipinangako sa ating mga ninuno. 24 Inutusan kami ng Panginoon na sundin namin ang lahat ng mga tuntuning ito at magkaroon ng takot sa kanya na ating Diyos, para lagi kaming maging maunlad at mabuhay nang matagal gaya ng nangyayari ngayon. 25 At kung susundin lang nating mabuti ang lahat ng mga utos na ito ng Panginoon na ating Diyos, gaya ng iniutos sa atin, magiging matuwid tayo sa kanyang paningin."