16 walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos dahil sa inyo. At palagi ko kayong ipinapanalangin. 17 Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesu-Kristo, ang dakilang Ama, na bigyan niya kayo ng karunungan at pang-unawa mula sa Banal na Espiritu, upang lalo pa ninyo siyang makilala.
Publicidade
Publicidade