15 Sa halip, ipapahayag natin ang katotohanan nang may pag-ibig, upang sa lahat ng bagay ay higit tayong maging katulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya. 16 Sa pamumuno niya, ang lahat ng bahagi ng katawan ay nagkakaugnay-ugnay, at ang bawat isaʼy nagkakaisa sa kanilang pagtutulungan. At sa pagganap ng bawat isa sa kani-kanilang tungkulin, ang buong katawan ay lalago at lalakas sa kanilang pagmamahalan.
Publicidade