Publicidade

Efésios 6

Mga Kagamitang Pandigma na Kaloob ng Diyos

10 At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan. 11 Isuot ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos upang malabanan ninyo ang masasamang plano ng diyablo. 12 Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi mga masamang espiritu sa kalangitan – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito. 13 Kaya gamitin ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos, upang sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag.

14 Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan. Isuot ninyo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. 15 Isuot ninyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. 16 Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo upang hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. 17 Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Espiritu.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-28_14-13-17-