16 Pagkatapos ng pitong araw, sinabi sa akin ng Panginoon, 17 "Anak ng tao, ginawa kitang bantay ng mga mamamayan ng Israel. Kaya ang anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa kanila. 18 Kapag sinabi kong mamamatay ang taong masama, pero hindi mo siya binalaan o pinagsabihang lumayo sa kasamaan upang maligtas, mamamatay ang taong iyon dahil sa kanyang kasalanan at pananagutan mo sa akin ang kamatayan niya. 19 Ngunit kung pinagsabihan mo siya at hindi siya lumayo sa kasamaan, mamamatay siya dahil sa kanyang kasalanan, pero wala kang pananagutan sa akin. 20 Kapag ang taong matuwid ay tumalikod sa kanyang pagiging matuwid at hahayaan ko siya sa ganoong kalagayan, mamamatay siya. Kung hindi mo siya pinagsabihan, mamamatay nga siya dahil sa kanyang kasalanan at hindi ko aalalahanin ang kanyang mabubuting gawa. Ngunit pananagutan mo sa akin ang kanyang kamatayan. 21 Ngunit kung pinagsabihan mo siyang tumigil na sa pagkakasala at nakinig sa iyo, hindi siya mamamatay at wala kang pananagutan sa akin."
Ezekiel 3:16-21
Em outras traduções
- ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)
16 At nangyari, sa katapusan ng pitong araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
17 Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya’t pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin.
18 Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni’t ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.
19 Gayon ma’y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya’y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya’y mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni’t iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.
20 Muli, pagka ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, at ako’y naglalagay ng katitisuran sa harap niya, siya’y mamamatay; sapagka’t hindi mo siya pinagpaunahan, siya’y mamamatay sa kaniyang kasalanan, at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin; nguni’t ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.
21 Gayon ma’y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid, upang ang matuwid ay huwag magkasala, at siya’y hindi nagkakasala, siya’y walang pagsalang mabubuhay, sapagka’t siya’y nahikayat; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.
Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Ezekiel 48
Estes versículos te tocaram? Ore agora!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.